Elmo promise me, after 11 years babalikan mo ako..
Yes, I promise. Mabilis lang ang 11 years, Julie. Don’t worry.
I love you. Don’t you ever fall in love with someone else while you’re away.
Babe, trust me. Ikaw lang ang mamahalin ko. Tsaka alam ko naman sa sarili ko na may babalikan pa ako eh. After 11 years, kapag nakapag tapos na ako, papakasalan kita.
I smiled. Hearing those words coming from him makes my heart melt.
Aantayin kita, Moe. I love you.
He leaned towards me then he wrapped his arms around my waist then kissed me on my forehead.
I love you too, baby. Promise me you’ll wait.
I promise, Elmo.
Then he lowered his head.
This will be our last kiss… For now. I thought.
——
11 years had passed and Elmo and I still haven’t communicated since he left. Pumunta siya ng States para mag aral. He’s an aspiring doctor that’s why it took him almost 10 years to finish his studies.
We both decided to not communicate at all. Para hindi namin mamiss ang isa’t isa. Para hindi kami nag wo-worry habang magkalayo kami. At sinabi niya na baka hindi lang din mag work kung long distance relationship. That’s why I agreed.
11 years. Wala akong ibang inintindi kung hindi ang mag aral. I graduated at one of the best universities in Manila with a course of Culinary Arts. And now, I have my own restaurant. Nakapagtapos ako ng pag aaral sa sariling kong pagsisikap. Working student and a scholar. Ganun daw talaga kung gusto mong umunlad. Maghirap ka muna.
Walang araw na hindi ko naisip si Elmo. Araw araw nagbibilang ako. Alam kong matagal nga ang 11 years. Pero dahil iniisip ko na para din naman sa future namin ‘to, okay lang.
Hoy Julie.
I snapped out of my thoughts.
Hey Maqui. Kanina ka pa?
Hindi naman. Pero ikaw, kanina ka pa tulala diyan. Iniisip mo nanaman siya noh. Biro ni Maqui.
Maqui is my bestfriend since highschool. Kilala niya si Elmo. Alam niya ang lovestory naming dalawa. Nasubaybayan niya lahat yon kaya alam niya kung gaano kahirap ang dinanas naming dalawa.
Pwede bang hindi? Hahaha.
Hay nako, dumadami na tao dito sa restaurant mo oh. Tulala ka padin.
Hindi ko napansin yon. Last time I checked, ako pa lang kasi ang tao.
Oo nga noh. Ay, Maq wait lang ah? CR lang ako.
Gora. Dito lang ako. Bilisan mo ha.
Without saying anything, I grabbed my shoulder bag then went to the powder room.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng Cr ay biglang may malakas na hangin ang bumulagta sa akin. Tumaas ang mga balahibo ko.
Creepy. Airconditioned ang restaurant. Paano magkakaron ng hangin? I thought.
Ayoko namang takutin ang sarili ko kaya I just ignored it.
Dire-diretso akong naglakad sa loob at nag ayos sa tapat ng salamin. Ako lang ang tao sa loob but I can feel eyes on me.
Julie, tigilan mo nga. Stop imagining things. Tinatakot mo lang sarili mo. I thought again.
Hinanap ko ang powder ko sa loob ng bag ng biglang mahulog ang picture namin ni Elmo.
Lagi ko iyong dala kahit saan man ako magpunta. Pakiramdam ko kasi, kasama ko din siya kapag dala dala ko iyon.
Pinulot ko ang litrato sa lapag.
Nang makatayo ako ay pinagmasdan ko ito.
Gwapo ka padin talaga. I miss you. Bulong ko.
Nang ilalagay ko na ang litrato sa loob ay marinig akong boses. At first, I thought it was just the people outside since madami na nga ring tao sa restaurant. But what surpised me is when the voice started whispering my name.
Julie… It said. It was a cold and husky voice.
Nanlamig ako at di nakagalaw.
Julie… Ulit nito. This time clearer and louder.
Paulit ulit lang ito. Pumikit ako, nagbabakasakali na tumigil ang boses na tumatawag sa akin.
Biglang nanahimik sa loob ng Cr. Kahit ganoon, ayoko pading imulat ang mga mata ko.
Julie. This time it wasn’t a whisper anymore. Pakiramdam ko ay nasa tabi ko na siya sa sobrang linaw ng boses nito.
Stop. Whoever you are, stop. I managed to say kahit takot na takot na talaga ako.
Then suddenly, biglang may nagbukas nang pinto na dahilan para ikagulat ko.
Ma’am Julie, ayos lang po ba kayo? Kanina pa po kayo hinahanap ni Ma’am Maqui.
Okay lang ako. Bulong ko at dire-diretsong lumabas ng Cr.
Naglakad ako papunta kay Maqui.
Maq, pinabless naman natin tong resto diba?
Oo naman. Bakit? Tsaka bakit ang tagal mo? Ano nangyari sa’yo? Ayos ka lang?
Nothing.
Nothing? Tignan mo nga yang ichura mo. Mukha kang mauubusan ng dugo. What happned ba?
Kinwento ko ang nangyari kani-kanina lamang.
Ayy nako, friend. Sa tanda mong yan, natatakot ka sa ganun? I’m sure imaginations mo lang yon noh. I think kelangan mo lang magpahinga. Go, uwi ka na. Ako ng bahala dito.
No. Hindi pwede. Marami pa akong kailangang gawin.
Hindi. Ako na. Baka mamaya ma confine ka pa eh. Ako na muna bahala dito. Maasahan naman ako eh. Sige na, magliwaliw ka muna. Simula ng umalis si Moe, nawalan kna ng time para sa sarili mo. Kaya ngayon, ienjoy mo muna.
I sighed. Thanks, Maq. Babawi na lang ako ah?
Naku hindi na kailangan. Sige na.
Bumeso ako kay Maqui at saka umalis na sa restaurant.
Buti na lang at hindi ko dinala ang kotse ko today. Ayokong mapag isa. Gusto ko maraming tao. Ayoko na ulit maexperience yung nangyari kanina.
Imbes na dumiretso sa bahay, pumunta ako sa lugar kung saan ko huling nakita si Elmo. Sa lugar kung saan kami laging napunta kapag wala kaming gagawin nuon.
Bumaba ako ng taxi at napansin kong ganoong parin ang itsura ng lugar na ito. Walang pinagbago. Maging ang mga punong nakatayo sa lugar na ito ay ganoon padin ang itsura. Pakiramdam ko tuloy ay highschool pa lang ulit ako. Ang kinaibahan nga lang, wala si Moe.
Naupo ako sa ilalim ng puno. Biglang bumalik lahat ng masasayang alaala namin ni Elmo sa lugar na ito. Dito ko siya unang sinagot. Dito naganap ang first kiss namin. Dito lahat. Maging ang huling pagkikita namin.
Asan ka na kaya, Elmo? Uwi ka na sa akin. You promised na babalik ka. I sighed.
Julie… Someone spoke from behind me. It was a familiar voice.
Lumingon ako agad upang malaman kung sino ito.
It was him. Ang taong nagmamay ari ng puso ko. Ang taong inaantay ko. At ang taong pinangakuan ko ng panghabang buhay.
Elmo…
Naglakad siya papunta sa akin. Then he stopped walking ng makalapit siya sa akin.
Ikaw nga Julie. Antagal kitang inantay dito. Araw araw nagpupunta ako sa lugar na to. Bakit ngayon ka lang dumating? He asked.
Hindi agad ako nakapagsalita. Tinitigan ko siya. Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na siya ngayon.
Gwapo padin siya. Pero may nagbago. He looked pale. His eyes, parang nababalot ng kalungkutan. At ang boses niya, hindi ko alam kung bakit pero nag iba din.
Look, it doesn’t even matter how long I waited para dumating ka dito. Ang importante, kasama na kita. Na sa wakas, nagkita na tayo.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. I hugged him back.
Sabi ko naman sayo, babalik ako eh. He whispered.
I miss you. I love you. Thank god andito ka na. Hindi biro ang 11 years Elmo ha.
He chuckled. I know. Andito na tayo. Wag mo na isipin yung nangyari dati. Past is past, babe.
Namiss ko pag tawag mo ng babe ah. Hahaha.
I love you, Julie. Gawin natin lahat ng hindi natin nagawa nuon.
Oo naman. We have all the time to do what we want to do. I love you too, Emong.
After that, we spent almost 1 week by just enjoying ourselves. Kinwento ko lahat ng nangyari sa akin. Ganoon din siya. Masaya ako ng malaman kong isa na siyang ganap at successful na doktor. Sinabi niya din na matagal na siyang nakauwi at dahil hindi niya naman ako mahanap, lagi na lang siyang pumupunta sa tambayan namin dati.
Pero what’s weird is kapag free sila Maqui or our other friends, hindi siya nagpapakita. Ni pumunta sa bahay nila ayaw niya. Doon siya sa condo kasama ko.
Monday na ulit bukas, Julie.
Alam ko. Ano naman? Hahaha.
Wala lang. 1 week na simula nung nagkita tayo ulit.
So? Ang weird mo lang Elmo.
Magbihis ka. Yung maganda. May pupuntahan tayo.
Saan naman?
Basta, magbihis ka na lang.
Opo, sir.
Nagpunta ako sa kwarto upang magbihis. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako.
Ready ka na? He asked.
Wow. Ang pogi mo naman sa suot mo. Saan ba talaga tayo pupunta?
Basta. Lika na. He grabbed my hand at lumabas na papunta sa sasakyan ko.
Habang nag da-drive siya, pansin kong pamilyar ang lugar na nakikita ko sa labas ng bintana ng kotse.
Bakit tayo andito? Ganito pa suot natin? Sus, sa tambayan lang pala tayo pupunta naka formal pa.
I just want this place to be more significant. Dito mo ako unang sinagot diba? He smiled.
Yes.
Kinuha niya ang kamay ko. At saka lumuhod.
Julie Anne San Jose, Matagal tayong nag antay para magkita ulit. At ngayong kasama na kita, ayokong ng palampasin ang pagkakataong to. Alam mong mahal na mahal kita nuon pa lang. At nangako ako na pagkauwi ko, may isang bagay akong gagawin. He looked at me then may kinuha siya sa bulsa niya. It was a box.
Julie, marry me. Please?
Mangiyak ngiyak na ako. Yes, Elmo. Yes. I will marry you.
Sinuot niya sa daliri ko ang singsing. Saka siya tumayo upang yakapin ako. I’m the happiest man, Julie. Thank you. I love you.
Without saying anything, hinalikan ko siya. He kissed me back. I love you too, baby.
Tara na, babe.
Saan?
Sa simbahan. Papakasalan na kita. Ngayon na.
Seriously, Moe?
Mukha ba akong nagbibiro? Tara na.
Hindi ko man natupad ang dream wedding ko. Masayang masaya parin ako kasi kasama ko ang lalaking mamahalin ko habang buhay.
Ikinasal nga kami ni Moe sa simbahan. Akala ko nagloloko lang siya. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Kasal na ako. Di padin ako makapaniwala.
Mrs. Magalona, uwi na tayo? He smiled. Nakakalokong ngiti.
Anong ngiti yan Elmo?
Bakit? Masaya lang ako at tapos na lahat ng paghihirap ko. Asawa na kita.
Ambilis mo din eh noh? Di mo manlang sinabihan sina Mama at Papa.
Babe, ang importante kasama mo ako. At saksi ang diyos sa pagmamahalan natin.
I know.
Ayun naman pala, tara na?
Elmo and I went home. At katulad ng bagong kasal, nag honeymoon din kami kahit sa condo ko lang.
It was already 10 AM when I woke up. I slowly opened my eyes. And all that was there was a vacant space. Wala si Elmo. Wala ang asawa ko.
Tumayo ako at nag ayos na. Dumiretso ako sa kusina.
Napangiti ako ng makita kong naka luto na si Elmo. At sa tabi ng mesa ay may isang note.
Julie,
You know I’m so happy that finally, akin ka na. Eto lang naman ang inaantay ko eh. Bumalik ako para tuparin ang pangako ko. And now that, I already accomplished my mission, I can already go further. Julie Anne San Jose Magalona. Bagay na bagay sayo. Sana sa isang linggo na nakasama kita ay napasaya kita kahit papano. Mahal na mahal kita. Alam mo naman yun eh. At alam ko ding mahal na mahal mo ako. Be good, baby ah? If you’re not that busy Mrs. Magalona, punta ka kina Mom. Andun lang ako. I love you forever, Baby.
Your husband,
Elmo
Sweet naman ng asawa ko. I thought. Pupunta lang kina Tita, nag iwan pa ng letter.
Nilapag ko ang sulat at kumain na. In all fairness, masarap talagang mag luto si Elmo nuon pa lang. Tinalo pa ako.
After eating naligo agad ako at nagbihis para pumunta kina Tita.
Wala si Moe, so ako na lang ang nag drive papunta doon. Medjo malayo din ang Antipolo. Kaya natagalan ako.
Nang makarating ako doon, agad akong nag doorbell. Inaasahan ko kasi na si Elmo ang bubungad sa akin.
Someone opened the gate. It was Elmo’s mom. Julie? Is that you? Long time no see. Bumeso ako sa kanya at niyakap ko siya.
She was like my second mother.
I miss you, Tita. Kumusta na po?
Pasok ka muna, Julie. Namiss ka naming lahat.
Pumasok kami ni Tita sa loob ng bahay.
Upo ka muna, Julie.
Thank you po. Nga po pala asan po si Moe? Sabi niya po pumunta daw po ako dito. Andito daw po siya.
Biglang kumunot ang noo ni Tita at umupo sa tabi ko. Seryoso ang mukha niya.
Tita, bakit po?
Julie. How did that happen?
Inilabas ko ang sulat na bigay ni Moe at ipinabasa sa Mommy niya. Biglang nanlaki ang mga mata nito. Parang gulat na gulat na hindi ko alam kung ano nang nangyayari.
Julie. Di ko alam kung saan magsisimula.
Bakit po? Ano po bang nangyari?
Mahal na mahal ka ng anak ko. At nangg umalis siya ay ikaw agad ang inisip niya. Hanggang umuwi kami dito 2 months ago, nauna siyang umuwi sabi niya inaantay mo daw siya. Sobrang excited niya nga noon eh. May papakasalan pa daw siya sa Pilipinas.
Napangiti naman ako sa mga sinabi ni Tita Pia. 2 months na pala nung nakabalik siya eh bakit po last week lang nung nag kita kami?
Last week? Gulat na gulat na tanong ni Tita Pia.
Opo. Tapos kahapon po niyaya niya na po akong magpakasal. Sorry po kung hindi niya na po nasabi sa inyo. O hindi po naging maayos. Si Elmo naman kasi, nagmamadali masyado.
Julie may sasabihin ako sa’yo. Pero please wag ka sanang magugulat.
Sige po. Ano po ba yon?
Umayos ng pagkakaupo si Tita Pia. Seryoso ang mukha niya. At alam kong importante din ang sasabihin niya. Bago siya mag salita ay kinuha niya ang kamay ko at huminga ng malalim.
It’s been 2 months since Elmo came back, Julie…
And 2 months nadin nang mamatay si Elmo. He died on a car crash habang papauwi siya dito.



